Archive for the ‘pinoy miscellaneous’ Category

28
May

Spielberg and a Pinoy

   Posted by: abelle   in daily dose of laughter, pinoy miscellaneous

A Pinoy went to a bar in Hawaii to have some drinks. At the counter, he sat next to the famous Hollywood director, Steven Spielberg who was already ahead by a quart of alcohol. After a couple of beers, the Pinoy sensed that Spielberg was glaring at him. Suddenly, in a flash, the Pinoy crashed down from his stool, felled by a vicious hook from the director.

Picking himself up, he yelled, “Wat da hell is dat por?”

Spielberg ranted: “That’s for the bombing of Pearl Harbor, you #@@!!##! My dad perished in that bombing!”

“#@@!!##! I am not Jafanese, you stufid Nincomfoof! I am Pilifino!” exclaimed the Pinoy.

The inebriated director replied, “Yeah yeah yeah…Japanese, Burmese, Chinese, Vietnamese, Filipino …you’re all the same!”

Regaining his composure, the Pinoy dusted off his white pants, straightened the collar of his loud bird-of-paradise printed shirt, took his seat and ordered a double R&B from the bartender. After a few sips, the Pinoy stood up and delivered his best Jackie Chan karate kick, sending the director flying halfway across the room. “What was that for?!!” shouted the surprised Spielberg from about fifteen feet away.

“Dat’s por da sinking of da TITANIC! I had my grandpader on dat shif!” the Pinoy answered back.

“You ignorant Chink! The TITANIC was sunk by an iceberg!” exclaimed the director.

“Yah yah yah…Iceberg, Sfielberg, Carlsberg… you are all the same . . …. also!”

7
May

How to Control Emotions

   Posted by: abelle   in pinoy miscellaneous

This would give you guides on how to control your emotions towards your better-half, friends, officemates and all the people around you, especially your ‘boss’. The rules of practicing “ugaling langit, ugaling kaaya-aya” :

#1 Ang naunang magalit ang may karapatang magalit. Pag naunahan ka na ng galit niya, tumahimik ka na lang muna.

#2 Walang taong nag-aaway mag-isa. Pag hindi kayo sumagot o pumatol, titigil din daw ang taong nakikipag-away sa inyo.

#3 Ang taong galit, ‘bingi.’ If someone is angry, wala raw pinakikinggan, so, don’t try to explain and fight back. Hindi ka niya iintindihin dahil wala siyang naririnig kundi ang sarili nya.

#4 Ang taong galit, ‘abnoy.’ Ayon sa pastor, Biblical daw ito? Because the Lord said when He was crucified, ‘Father, patawarin mo sila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa.’ Modern term for these kinds of people are abnoys, so you better not get angry para huwag kang matawag na abnoy.

You should also know and realize that the persons who make your day bad are jewel, because you need them for you to mature. Hangga’t andyan daw sila at kinaiinisan mo, ibig sabihin, immature ka pa. God will not take away those people; it’s for you to take away your bad feelings towards them. You’ll know na mature ka na pag dumating ‘yung time na hindi ka na naiinis sa mga taong ito because you have learned to accept them and to have patience with them.

#5 Finally, the best part of this is to tell yourself na, because of this person, ‘I will grow mature,’ and that DAHIL SA CONTRIBUTION NIYA SA MATURITY MO, KUKUNIN DIN SYA NI LORD.

18
Apr

Patungkol sa iyong mga katanungan sa buhay

   Posted by: abelle   in pinoy miscellaneous


Datapwat hindi ako nakakasiguro sa lahat ng aking mga sagot,
susubukan kong bigyang liwanag ang ilan sa iyong mga katanungan…

Ang isa kong kaibigan ay mayroon lang mga ilang katanungan na matagal ng bumabagabag sa kanyang araw-araw na pamumuhay. Maaaring ang iba rito ay alam na rin ninyo ngunit walang tumpak
na makapagbigay ng akmang kasagutan o pagpapaliwanag. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Ang squidballs ba ay bayag ng pusit?

Ang squidballs ay hindi bayag ng pusit
baka bayag ni Tiya Pusit.

2. Pwede bang uminom ng softdrink kapag coffee break?

Pwedeng uminom ng softdrink kung coffebreak ngunit kailangan itong lagyan ng asukal at kopimeyt. Kopimeyt dapat at huwag gatas (milk in my cereal, kopimeyt in my pepsi. sounds good to me!)


3. Pwede bang gamitin ang a.m. radio pag gabi na?

Maari lamang gamitin ang a.m. radio kapag gabi kung ang iyong pakikinggan ay o.p.m.


4. Ang fire exit ba ay labasan ng apoy?

Ang fire exit ay ginagamit lamang bilang labasan ng apoy kapag may sunog. Ito ang kanilang daan upang sila’y makatakas o ang tinatawag na “fire escape”.


5. Ang uod ba pag namatay ay inuuod din?

Ang tao kapag namatay ay hindi tinatao. Malamang ang uod ay hindi rin inuuod. Kung ang tao ay inuuod kapag nalagutan ng hininga, siguro ang uod kapag namatay ay tinatao.


6. Totoo bang ang mga manok na pinatay sa Jollibee ay masasaya kaya sila tinawag na chicken joy?

Ang mga manok na pinatay sa Jollibee ay masaya kung kaya’t sila’y tinawag na chicken joy. Ngunit hindi kinakailangang sa jollibee patayin ang manok upang ito ay maging masaya… ang
mga manok ay nagiging masaya kapag sila ay may kasama sa buhay. Kapag ito ay nag-iisa lamang, ito ay hindi chicken joy kundi …mcchicken singles. (Ang pinakamasayang manok sa lahat ay iyong 6 pcs. chicken mcnuggets o tinatawag na “ o-r-g-y” sa inggles)

7. Mayroon bang kahit isang langgam na mahilig sa maalat?

Alam na ba ninyo iyong patawa na “itlog maalat”? Nakagat ako minsan ng langgam……. kung nakagat ka na ng langgam sa itlog, ibig sabihin marami ring langgam mahilig sa maalat.


8. Kung ang 7-11 store ay bukas 24 hrs a day , 7 days a week, at 365 days a year. Bakit may lock pa ang pinto nila? Bakit? Bakit?

Dalawa ang dahilan. Una, may coffee break (tingnan ang katanungan bilang 2 hinggil sa maaaring inumin kapag coffe break) din naman ang mga nagtatrabaho sa 7-11. Pangalawa, mayroon tayong tinatawag na leap year.


9. Bakit di mataas ang highway?

Dahil kung mataas ang highway, walang paglalagyan ng skyway.

10. Ba’t alang lumilipad na sasakyan sa flyover?
Hindi lang natin nakikita ang mga nagliliparang sasakyan sapagkat hindi tayo tumutingala kapag tayo ay nasa flyover. Ang pagsalin ng dayuhang salita na flyover sa katutubong wika ay “fly”-lipad, “over”-sa ibabaw. Ibig sabihin nito na ang mga kotse ay hindi lumilipad sa flyover ngunit sa ibabaw ng flyover. Ngayon kung titingala ka naman kapag
ikaw ay nasa flyover ang tangi mong makikita ay ang kisame ng iyong sasakyan. Alam kong wala sa inyong mayroong sasakyan na Miata, Boxster, Kompressor, Z3, Z8 at kung ano-ano pang kotseng pang-
mayaman kaya’t huwag na kayong magpumilit mamilosopo… ako lang ang may karapatan. Kung idadahilan niyo naman na mayroon kayong sunroof, hanapin ninyo ang inyong tinatawag na “sense of humor”. Namamatay ng maaga ang palaging seryoso.

Sana ay nasagot ang ilan sa inyong mga katanungan sa buhay. Kung mayroon pang ibang bagay na bumabagabag sa iyong isipan huwag kayong mag-atubiling ilapit sa mga kina-uukulan o kaya sarilinin nyo
na lamang para di kayo pagtawanan.

At lagi rin sana nating tandaan ang dayuhang salawikain na “ask a dumb question and you’ll get a dumb answer.”


Maraming salamat at walang anuman ;)

19
Mar

Ang Alamat ng mga Daliri

   Posted by: abelle   in pinoy miscellaneous

Noong araw, ang ating mga daliri ay magkakadikit o magkakalapit. Ang pinakamaliit ay si Kalingkingan at ang pinakamataas naman ay si Hinlalato. Halos magkasintaas sina Hintuturo at Palasingsingan. Tanging si Hinlalaki ang mataba ngunit pandak. Ang magkakapatid at tulong-tulong sa mga gawain maliban kay Hinlalaki na madalas ay tumatakas sa mga gawaing-bahay.

Isang araw, habang si Hintuturo ay naglilinis ng bakuran, katulong si Hinliliit, ay napansin niya na may natutulog sa ilalim ng punong mangga.

“Hinliliit, sino ang naroroon sa ilalim ng puno?” tanong ni Hintuturo.

“Ewan ko,” tugon ni Hinliliit. “Nagluluto si Hinlalato at naglilinis ng bahay si Palasingsingan.”

“Kung gayon, kung hindi ako nagkakamali, si Hinlalaki iyon,” wika ni Hintuturo.

“Alam mo, madalas na hindi tumutulong si Hinlalaki sa ating mga gawain,” sumbong ni Kalingkingan. “At pag oras na nang kainan, siya ang unang-una sa hapag.”

“Halika, tawagin natin sina Hinlalato at Palasingsingan,” yaya ni Hintuturo.

Nag-usap ang apat na magkakatid. Lahat sila ay nakapansin sa ugali ni Hinlalaki. Napansin din nila na sa kanilang lima, tanging si Hinlalaki lamang ang tumataba.”

“Paanong hindi yan tataba, bukod sa puro pahinga, ang lakas pang kumain,” wika ni Hinalalato.

“Mula ngayon, humiwalay na tayo sa kanya,” mungkahi ni Hintuturo. “Kailangan din na sa lahat ng ating gawain ay tulungan niya tayo. Bigyan din natin siya ng isang trabaho na siya lamang ang gagawa.”

“Anong trabaho iyon?” usisa ni Hinliliita.

“E di, magtiris ng kuto,” patawang wika ni Hintuturo.

Masayang nagkasundo ang mga magkakapatid. Buhat noon, hiwalay na si Hinlalaki sa kanyang apat na kapatid.

source: Sigay4, pg190

ss_blog_claim=99fabd22593fce7097a3f5c71ace681a